Friday, August 8, 2008

Buhay Kabataan

Maingay.
Kanya-kanyang kwentuhan
Kanya-kanyang kumpulan
'yung iba naman
walang pakialam
basta makatulog lang
ang iba naman masabi lang
pikit-mata,walang kibuan
i-pod lang pala ang pinapakiggan
ganyan ang takbo
sa bawat araw ng pagpasok ko
dahil isa rin ako sa mga 'to
kanya-kanyang daldalan
hindi naman maintindihan
sabay-sabay kasi ang usapan
sila-sila nagtatawanan
ang saya nila tingnan?
mga kalalakihan at kababaihan
mapa-t.v., mapa-techie, mga kanta sa mp3
pati 'yung crew dun sa jollibee
lahat pinag-uusapan
ang mga kabataan nga naman
kay rami ng nalalaman
'pag dumating ang di inaasam
'pag naantala ang kasiyahan
magpapalusot, magtatago
aalis, lalayas
bad trip nga naman
pero kammusta naman
lahat 'yan ay bahagi ng kabataan
sana'y isiksik sa ating kamalayan
na tayo'y hindi puro sarap lang
mag-enjoy at umalalay
magsaya at umagapay
napakarami pang dapat matutunan
kaya dapat hinay-hinay lang
huwag kumaripas
at harapin ang 'yong namamalas
steady lang kumbaga
para pagdating ng panahon...
Ikaw na!

No comments: