Sunday, July 20, 2008
Gunita
habang ang gabi ay nananahan sa kalangitan
at tahimik ang buong kapaligiran
narito akong nananaghoy
sa pusong walang apoy
pinilt ko ng umidlip
sa duwelo ng puso't isip ngunit
mga tula ang binibigkas
ng mga luhang mapangahas
matagal na ring nasasabik
sa yakap mo na kay higpit
kay tagal ng inaasam-asam
na damdamin ko ri'y pakiramdaman
iba't ibang panaginip
ang bumabalot sa'king malay
anu na nga ba ang buhay
kung wala ang isang
nagbibigay-kulay
sa gabing ito na matala
kahit piraso'y hirap kumatha
ang liwanag at ang silaw
sa'yo lahat nakatanaw
sa lahat ng nais maimprenta
isa lang ang pinakamahalaga
sana iyong maalala
"pinakamamahal kita..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment